SAM MILBY AT CATRIONA GRAY, NAISPATANG SWEET NA SWEET SA ISA'T ISA

 


TULOY NA BA ANG KASAL?

Mukhang maayos na ang relasyon nina Catriona Gray at Sam Milby matapos na maispatan ang pagiging sweet ng bawat isa sa birthday party ng kanilang manager na si Erickson Raymundo ng The Cornerstone Entertainment sa Sta. Rita, Pampanga.

Matatandaang naging matunog sa social media ang umano’y paghihiwalay ng dalawa nang mayroong netizens ang nakapansin na hindi na suot ni Catriona Gray ang engagement ring nito mula kay Sam.

Naglabas din ng pahayag ang kanilang agency na nahaharap sa ilang mga hamon ang relasyon nina Sam at Cat ngunit aktibong inaayos naman ito ng dalawa.

Samantala, wala pang kumpirmasyon sa dalawa sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog