DRAYBER, PATAY; KONDUKTOR AT MGA PASAHERO, SUGATAN MATAPOS BUMANGGA SA TRAILER TRUCK ANG SINASAKYANG BUS


Hindi nakaligtas ang drayber ng pampasaherong bus matapos itong sumalpok sa isang trailer truck sa Purok 6, Tuganay, Carmen, Davao del Norte, nitong Sabado.

Habang nagtamo naman ng mga sugat sa ilang parte ng katawan ang konduktor at mga pasaherong sakay ng naturang bus.

Kinilala naman ang drayber na si Jonathan Mula habang inaalam pa ng mga kapulisan ang pagkakakilanlan ng iba pang mga biktima.

Ayon sa Carmen Municipal Police Station, biglang sumalpok sa nakaparadang container van ang pampasaherong bus at dahil sa malakas na impact ay na-trap sa loob ang drayber na syang naging dahilan ng pagkamatay nito.

Napag-alamang madilim ang daan sa lugar nang mangyari ang insidente at mabilis din ang takbo ng nasabing bus.

Maswerte namang nakaligtas sa insidente ang konduktor at 22 pasaherong sakay nito.

Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa nangyari.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog