SLUM PRINCESS NOON, TINITINGALA NA NGAYON

 



Tila kahalintulad sa kwento ni Cinderella ang buhay ng isang 15-anyos na teenager sa India.


Mula kasi sa ordinaryong teenager na naninirahan sa isang slum area ng Dharavi, Mumbai ay tinitingala na ito ng mga tao.


Sa edad na 15-anyos ay naging cover girl na si Maleesha Kharwa ng isang international fashion magazines gaya ng Vogue at Cosmopolitan.



Sikat din ang teenager sa social media dahil sa mahigit 300,000 followers nito sa Instagram.

Matatandaang unang nakilala si Maleesha nang makilala niya ang Step Up 2: The Streets at Grey’s Anatomy actor na si Robert Hoffman.

Kung saan nang dahil sa aktor ay unti-unting natupad ng 15-anyos ang mga pangarap nitong maging isang fashion model.



Nagawa na rin nitong mabigyan ng komportableng bahay ang kaniyang pamilya na noo’y naninirahan sa slum area.

Sa ngayon ay patuloy ang pagbuhos ng biyaya kay Maleesha dahil sa kaliwa’t kanang alok sa kaniya ng pagiging model, endorser at influencer ng ilang mga kilalang magazines.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog