PRANGKISA NG SMNI, BINASURA NG KAMARA SA HULING PAGBASA

 


Tuluyan nang binasura ng Kamara ang prangkisa ng Swara Sug Media Corp., na humahawak sa operasyon ng Sonshine Media Network International (SMNI).

Ito’y sa kabila ng umano’y sunod-sunod na paglabag ng prangkisa, kabilang na ang pagkalat ng fake news, pagkakasangkot sa red-tagging at paggawa ng malaking pagkakasala ng korporasyon.

Nitong Marso 20, mula sa nalikom na botong 284-4-4 ay inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang ibasura ang prangkisang ibinigay sa nasabing network pati na sa korporasyon.

Matapos ang isinagawang anim na pagdinig mula noong Nobyembre ng nakaraang taon, napagdesisyunan ng panel na nakagawa ng “multiple grace infractions” ang SMNI bilang paglabag sa pagbabago ng prangkisa nito.

Aminado ang SMNI na lumipat ito mula sa non-stock, non-profit corporation sa pagiging sole corporation sa ilalim ng isang religious leader na si Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ noong 2006.

Samantala, kamakailan ay sinampahan ng kaso si Quiboloy at nakatakda itong aarestuhin dahil sa ilang mga paglabag.   

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog