OBSTRUCTION SA MGA SIDEWALK AT ROAD SHOULDERS, HINILING NA MATUTUKAN NG KALIBO PNP

 


Hiniling ngayon ng Sangguniang Bayan ng Kalibo na magkaroon ng clearing operation ang Kalibo PNP sa mga obstruction sa sidewalks at road shoulder sa naturang bayan.
Itong mungkahi ay makaraang mapag-usapan sa konseho ang ilang mga sagabal sa daan na posibleng pag-ugatan ng aksidente partikular na sa mga dumadaan na kailangan pang bumaba sa side walk at iwasan ang naturang mga obstruction.
Kabilang na dito ang mga naka park na sasakyan, mga nagbebenta sa daan at iba pang sagabal sa mga daan sa bayan ng Kalibo.
Dahil dito, hiling ng konseho na ipaubaya ito sa Kalibo PNP at iba pang kinauukulan upang masolusyonan ang nasabing problema. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog