Arestado ang isang lalaki sa Matanao, Davao del Sur matapos
nitong pinagsasaksak at pinatay ang walang kamuwang-muwang na kabayo.
Sa isang ulat, napag-alamang napagbuntunan lamang umano
ng galit ng lalaki ang kabayo matapos itong masapak ng kaniyang kainuman at
nalaman ding lasing umano ito.
Kaugnay nito, maliban sa nakuhang patalim sa suspek ay
narekober din dito ang ilang sachet ng hinihinalang may lamang shabu.
Dahil dito, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa
Animal Welfare Act.
0 Comments