“MORE THAN FRIENDS, LESS THAN LOVERS” - SITUATIONSHIP

 


Anong tawag sa ganitong klase ng relasyon, mga ka-K5?

Sa makabagong panahon, hindi na uso ang pa-maria clara at pagpapahalaga sa relasyon dahil sa kaliwa’t kanang paghihiwalay ng mga magkarelasyon.

Kahit gaano pa kayo katagal nagsama, nauuwi pa rin ito sa masakit na hiwalayan.

Pero mga ka-K5, ating alamin ang nauusong klase ng relasyon na hindi kayo pero parang kayo.

Patok na patok sa ngayong henerasyon ang terminong “situationship”, mula sa pinagsamang salita na “situation” at “relationship”.

May pagkakahawig ito sa “MU” mutual understanding o malabong usapan, “FuBu” o fuck buddies, o kaya naman ay “FWB o friends with benefits ngunit iba ang dahilan.

Ang “situationship” ay isang uri ng komplikadong relasyon na hindi gaanong malinaw ang mga hangganan o katayuan. Maaaring pinaparamdam o pinapakitaan ka ng ugaling tulad ng nasa isang relasyon ngunit hindi malinaw kung ano ang tunay na ugnayan niyong dalawa.

Kapag nasa isang “situationship”, malaya kang makipag-usap sa iba, ngunit hindi ka maaaring magbitaw ng anumang pangako o commitments.

Magulo at komplikado ang ganitong uri ng relasyon, kung kaya’t payo ng mga eksperto na mas mabuting siguruhin ang iyong katayuan sa buhay ng iyong partner.

Siguro nga pareho niyong gusto ang isa’t isa pero hindi ganun kalalim ang emosyong iyong nararamdaman mula sa kaniya. Hindi niyo napag-uusapan ang kinabukasan ng iyong relasyon at hindi ka niya masyadong ipinapakilala sa mga kaibigan o pamilya niya.

Kaya mga ka-K5, ang tanong ko sayo “Payag ka ba sa “situationship”?

   

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog