Pasok na sa 2024 Paris Olympics ang dalawang Pinay boxer na sina Nesthy Petecio at Aira Villegas matapos makaabante sa 1st Olympic Qualifying Tournament sa Busto Arsizio, Italy ngayong araw.
Ang Filipina boxing duo ang ika-5 at ika-6 na atletang Pinoy na nag-qualify sa Summer Games kasama ang mga naunang sina Eumir Marcial, pole vaulter EJ Obiena, at gymnasts Carlos Yulo at Aleah Finnegan.
Tinalo ng 31-anyos na si Petecio ang kalaban na si Esra Yildiz ng Turkey para makuha ang score na 4-1 para maka-abante sa finals at makapasok sa Paris Olympics.
Samantala wagi naman si Villegas laban kay Zlatislava Chukanova ng Bulgaria via unanimous decision sa score na 5-0.
Sa ngayon may pagkakataon ang dalawa na makakuha ng gintong medalaya sa nasabing tournament.
0 Comments