Muling aabangan ang pagbabalik ng Friendster matapos na magbukas ang website nito ng maagang access sign-up page.
Makikita sa website ng Friendster ang anunsyo ng
pagbabalik nito kasama ang isang entry box kung saan kinakailangan i-fill up ito
ng mga users ng kanilang email address para makakuha ng maagang access.
Unang sumikat ang social networking site na Friendster
noong 2000s at na-shut down noong 2015 nang ito’y maungusan ng mga umuusbong na
social media sites tulad ng Facebook.
Matapos ang kamakailang malawakang pagkakaroon ng aberya
sa Meta apps, naging usap-usapan na ang muling pagbabalik ng Friendster.
“My Friendster memories in me can't wait!!!” komento ng
isang netizen.
“Nandiyan pa kaya account ko..? Internet Cafe days...” saad
pa ng isa.
Matatandaan, noong November 2022 ay nagbabala ang Department
of Information and Communications Technology (DICT) sa publiko laban sa pagsali
sa isang website na nagsasabing sila ay Friendster, sa posibilidad na ito’y modus
ng mga scammer.
0 Comments