Puntahan ang Tag-osip Hill ng Brgy. Tag-osip, Buruanga,
Aklan.
Matutunghayan ang panoramic views ng asul na kalangitan,
lush green sceneries at sariwang hangin kung saan malalanghap ang bango ng
kalikasan.
Bagama’t masusubukan ang tatag ng tuhod sa pag-akyat ng 100 hakbang para maabot ang tuktok ng bundok, worth it naman ang pagod dahil sa magagandang views na makikita sa taas.
Sa bawat hakbang, pwede kang mag-reflect sa mababasang
biblical quotes at imahe kabilang na ang ‘10 Commandments’.
Ang Tag-osip Hill ay kombinasyon ng pananampaplataya at
turismo sa bukid kung saan maaaring samantalahin ng mga bisita ang pagkakataong
mailabas ang kanilang spiritual quest.
Mayroon ding mga prutas kang makikita habang papaakyat ng
burol na pupwede kang pumitas at syempre kailangan din itong bayaran.
Habang sa baba naman ng burol ay maaari kang magtampisaw
sa malinis at crystal clear na ilog.
Kaya mga ka-K5, tara at subukang bisitahin ang Tag-osip
Hill!
0 Comments