NAGHAHANAP KA BA NG KAKAIBANG EXPERIENCE?

 

Photos: Mars the Explorer via Discover Aklan

Tara at tuklasin ang isa pang ipinagmamalaking talon sa bayan ng Malinao.

Ito ang “Secret Falls” na matatagpuan sa San Roque, Malinao, Aklan.

Bakit nga ba ito tinawag na “Secret Falls”?


Photos: Mars the Explorer via Discover Aklan


Ito’y marahil nakatago ang nasabing talon sa mga bundok kung kaya’t tinawag itong “Secret Falls”.

Aabot naman sa 20 hanggang 30 minuto ang lalakarin kung saan nasa tatlong ilog ang tatawirin upang marating ang inaasam na “Secret Falls”.

Pagdating sa lugar, sasalubong sayo ang maberdeng tanawin, sariwang hangin at ang malamig na tubig na perfect ngayong paparating na summer.

Sinasabing binubuo ang lugar ng nasa humigit-kumulang na 12 talon.

Kaya, ano pang hinihintay niyo mga ka-K5, tara at dayuhin ang natatagong paraiso ng Malinao!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog