Photo: Netflix |
Maraming netizens ang nabitin sa unang Season ng “Avatar: The Last Airbender” na streaming pa rin sa Netflix.
Kung kaya’t isang magandang balita ang hatid ng Netflix dahil matutunghayan muli ang reality-bending adventures nina Aang at mga kaibigan nito sa Seasons 2 at 3 ng "Avatar: The Last Airbender".
Kamakailan ay ipinalabas sa Netflix ang unang season ng naturang
live action series na umani ng 41.1-milyon views sa loob lamang ng 11 araw.
Humanga rin ang mga netizens sa mahusay na pagganap ng
mga karakter lalung-lalo na ang ipinakitang ka-cute-an ng bidang si Aang sa
katauhan ni Gordon Cormier.
Ang "Avatar: The Last Airbender" ay base sa
sikat na Nickelodeon animated series na tumagal mula 2005 hanggang 2008. Ito ay
kwento ni Aang at mga kaibigan nito na hasain ang kanilang kakayahan at
subukang tapusin ang isang daaon taong gyera upang maibalik ang kapayapaan sa
apat na nasyon – ang Air Nomads, Fire Nation, Earth Kingdom, at Northern Water
Tribe.
0 Comments