Patay ang dalawang seaman na sakay ng barko na dumadaan
sa Gulf of Aden matapos ang ginawang missile attack ng isang rebeldeng grupo na
Houthi.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), maliban sa
nasawing dalawang seaman, dalawa pang Pinoy na tripulante ang malubhang nasugatan
sa nangyaring pag-atake sa tinatayang 50-nautical miles ng baybayin ng Yemen’s
port ng Aden.
Kaugnay nito, nangako naman ang ahensya na magbibigay
sila ng buong suporta sa pamilyang naiwan ng mga biktima alinsunod sa direktiba
ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Pahayag naman ng Reuters na mayroong 20 tripulanteng
sakay ang naturang barko at tatlong armadong guwardiya kabilang na ang 15 Pinoy,
apat na Vietnamese, dalawang Sri lankans, isang Indian at isang Nepali
national.
Samantala, nagpadala na ng grupo ang DFA sa Yemen upang maghatid
ng tulong sa mga apektadong mandaragat sa gitna ng nagpapatuloy na negosasyon.
0 Comments