UNDISCOVERED BEAUTY IN NABAS

 

Alam niyo ba mga ka-K5 na mayroon pang natatagong paraiso ang bayan ng Nabas bukod sa kanilang sikat na cold spring?
Ang lugar na ito ay madalas nating nadadaanan papuntang Boracay.
Ito ang Brgy. Habana sa bayan ng Nabas, Aklan.
Hindi man kasing pino at puti ang buhangin dito, maituturing pa din itong paraiso dahil sa pagiging payapa at nakakabighaning ganda ng dagat.
Mayroon din itong mga magagandang rock formations na picture-worthy sa mga mahihilig umawra at nais idagdag sa kanilang photography album.
Makikita din sa video na enjoy na enjoy sa paliligo ang mga residente sa napakalinaw na tubig na sakop ng lugar.
Saktong-sakto ito mga ka-K5 sa mga naghahanap ng vacation getaway ngayong summer season na budget-friendly at peaceful place.
Tara, byahe tayo!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog