Photo Courtesy: Screengrab from Ren The Adventurer |
Dismayado ang mga netizens sa itinayong resort sa gitna
ng sikat na tourist attraction na Chocolate Hills sa Bohol.
Ang Chocolate Hills ay isang geological formation na
matatagpuan sa Bohol kung saan binubuo ito ng humigit-kumulang 1,260 na mga
burol, bagama’t mayroon pang 1,776 na mga burol ang nakakalat sa isang lugar na
may mahigit 50 square kilometers.
Nababalutan naman ng mga berdeng damo ang naturang burol
na nagiging kulay brown kapag tag-init dahilan na ito’y pinangalanang “Chocolate
Hills”.
Kilala namang sikat na tourist attraction ang Chocolate
Hills sa Bohol kaya marami ang nalungkot sa itinayong resort na may pangalang
Captain’s Peak sa gitna nito.
Inilarawan itong “eyesore” ng ilang netizens habang may
ilang ding napatanong kung bakit pinayagan ang pagtatayo ng nasabing resort
lalo na’t nakatakda itong isasama sa UNESCO World Heritage List.
Samantala, wala pang sagot ang naturang resort kaugnay ng
isyu.
0 Comments