MENU SA MGA RESTAURANT SA QC, NIRE-REQUIRE NA ANG CALORIE COUNT

 


Maliban sa pangalan, litrato, at presyo ng mga pagkain sa mga menu, nire-require na din ang mga kainan na maglagay ng calorie count sa tabi ng ibinebentang pagkain.

Ito ay nakatakdang ipapatupad sa mga restaurant sa Quezon City.

Ayon kay Ramon Vicente Medalla, Quezon City Councilor, sa pamamagitan aniya ng pagdadagdag ng calorie count na ilalagay sa tabi ng mga ibinebentang food products ay agad na makakapagdesisyon ang mga customer sa pagpili ng kanilang kakainin.

Ang nasabing ‘Calorie Labeling Ordinance’ sa QC at pirma na lamang ni Mayor Joy Belmonte ang inaantay para tuluyan na itong maipatupad sa big at middle-scale restaurant sa naturang syudad.

Layunin ng ordinansa na mapigilan ang pagdami ng mga indibidwal na nagkakasakit at namamatay sanhi ng ‘poor diet’ kung saan ang obesity ay posibleng maging dahilan ng kidney at heart problems.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog