100K PINAY, SASANAYIN NG MICROSOFT SA AI

 


Inanunsyo ng pinakamalaking korporasyon sa teknolohiya na Microsoft na magsasanay sila ng nasa 100k na mga babaeng Pilipino para sa artificial intelligence technology at cybersecurity.

Ayon kay Microsoft official Mary Snapp, gagamit ang mga Pinay ng online platform para matutong gumamit ng AI tools ng Microsoft, kabilang na ang OpenAI’s large language models upang makakuha ng karanasan at agad na matukoy ang mga banta sa cybersecurity.

Nasasabik namang ipinahayag ni Snapp ang potensyal ng Pilipinas na mapagana ang economic development gamit ang pinahusay na AI technology sa positibong paraan.

Kaugnay nito, makikipagtulungan ang Microsoft sa mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na paaralan para sa pagsasanay ng mga empleyado ng pamahalaan.

Samantala, humigit-kumulang 27-milyon na mga estudyante sa Pilipinas ang sasailalim sa AI-powered reading progress tool ng Microsoft.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog