Photo Courtesy: Coast Guard District Northwestern Luzon |
Matagumpay na nailigtas ang isang 32-anyos na mangingisda ng Coast Guard District Northwestern Luzon nitong 7:00 ng umaga ng Linggo.
Kinilala ang mangingisda na si Dexter Abalos,
taga-Barangay Aloleng, Agno, Pangasinan na namataan ng PCG sa tinatayang 17-nautical
miles mula sa dalampasigan ng bayan ng Agno.
Sa post ng Coast Guard District North Western Luzon, ikwinento
ni Abalos na habang ito’y pabalik galing sa pangingisda ay bigla na lamang tinamaan
ng isang dolphin ang kaniyang motorbanca dahilan na ito’y tumaob.
Mabilis naman itong lumangoy sa isang fish marker o mas kilala sa tawag na “payao” at dito niya itinali ang kaniyang motorbanca.
Photo Courtesy: Coast Guard District Northwestern Luzon
Nananatili si Abalos sa nasabing lugar ng tatlong araw at
umaasang darating ang rescue.
Sa tulong ng PCG aircraft, agad nilang natunton si Abalos
sa pamamagitan ng kanilang air surveillance.
Matapos na ma-rescue si Abalos ay kaagad itong dinala sa Agno
Municipal Fish Port ng Agno, Pangasinan at binigyan ng medical treatment ng
DRRMO-Medical Nurse.
Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamilya ng nasabing
mangingisda sa pagkakaligtas sa kaniya sa PCG at ahensya ng gobyerno ng Agno,
Pangasinan.
0 Comments