Photo Courtesy: Shaira/Papinka |
Nahaharap na naman sa panibagong copyright issue ang binansagang “Queen of Bangsamoro Pop” na si Shaira sa kanta nitong ‘Forever Single’.
Ito’y matapos mapansin ng mga netizens ang pagkakapareho
ng naturang kanta sa isang Indonesian song na “Masih Mencintainya” ng bandang
Papinka.
Dahil dito, agad itong tinanggal sa lahat ng online streaming
platforms.
Matatandaang naharap din sa copyright issue ang isa pang
kanta ni Shaira na may pamagat na “Selos” dahil sa pangongopya ng melody nito
mula sa orihinal na kantang “Trouble is a Friend” ni Lenka.
0 Comments