AKLANON SHORT FILM NA "NADUEA EOMAN SI BROWNIE", PASOK SA TOP 25 CINEPANALO FILM FESTIVAL 2024

Karangalan ang hatid sa probinsya ng Aklan nang makapasok sa Top 25 bilang qualifers sa Cinepanalo Film Festival 2024 ang isang Aklanon Short Film.

Mula sa 250 na kalahok ay matagumpay na napabilang ang short film na “Naduea Eoman si Brownie” sa Top 25 na kwalipikadong maipapalabas sa Sinehan.
Sa programang K-Stories, kinilala ang direktor na si Doxford Perlas, residente ng Batan sa bayan ng Aklan.

Si direk Perlas ay mag-aaral ng Universisty of the Philippines Visayas na kumukuha ng kursong Sociology-Pyschology.
Inilahad nito ang kwento ng short film patungkol sa apat na pamilyang nawalan ng aso katulad sa pagkawala din ng isang myembro ng pamilya.
Ibinahagi din ni Direk Perlas na ang naturang istorya ay napapanahon dahil dito matutunghayan kung paano nalagpasan ng pamilya ang kalungkutan matapos mawalan ng minamahal sa buhay.
Kaugnay nito, napag-alamang purong Aklanon ang bumida maging ang mga taong nasa likod ng produksiyon sa naturang short film.
Ang bayan ng Altavas at Batan ang napiling lokasyon ng mga senaryo sa pelikula, kung saan tumagal ng halos 4 na buwan ang pag-shoot ng pelikula bago ito tuluyang natapos.
Bukod sa direktor, nakapanayam din sa programa ang isa sa mga aktres na si Jechelle Campo, isang ring etsudyante.
Labis ang tuwang nadarama ni Campo na ito'y napabilang sa nasabing short film na nagpahayag na worth it ang lahat ng sakripisyo nito.
Hinikayat naman nito ang publiko na panoorin ang “Naduea eoman si Brownie” sa mga sinehan sa Manila hanggang bukas, Marso 26.
Sa kabila nito, sinabi ni Direk Perlas na tangkilikin at mas pausbungin pa ng mga Aklanon film maker ang kahalagahan ng kultura ng Aklan. Nagpaabot din ito ng pasasalamat sa lahat ng taong naging parte sa tagumpay ng pelikula.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog