3 PINOY, SUGATAN SA PANIBAGONG PAMBOBOMBA NG WATER CANNON NG CHINA

 


Nagdulot ng malaking pinsala ang panibagong insidente ng pambobomba ng water cannon ng China Coast Guard sa barko ng Pilipinas malapit sa South China Sea nitong Sabado.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines, papunta sana ang tropa ng mga Pinoy sa resupply mission malapit sa Ayungin Shoal nang harangin ito ng barko ng CCG at binombahan ng water cannon.

Kung saan, halos masira na ang barko ng Pilipinas at nagtamo pa ng sugat  ang tatlong tripulanteng Pinoy na agad namang isinakay sa isang coast guard escort ship.

Ngunit, sa kabila ng pambu-bully ng China ay matagumpay namang naihatid ang supply sa Filipino outpost.

Kaugnay nito ay dumepensa ang panig ng China kung saan ipinahayag ni China Coast Guard spokesperson Gan Yu na nagpumilit umanong pumasok ang barko ng Pilipinas sa hindi nito teritoryong Ren’ai Jiao (Ayungin Shoal) sa kabila ng paulit-ulit nilang babala.

Samantala, naglabas naman ng hindi Magandang tugon ang mga envoy mula sa European Union, Australia, France, Japan at Estados Unidos ukol sa bagong “dangerous actions” ng China.   

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog