BYAHE NA, KA-K5 | GOD THE FATHER SHRINE

Photo Courtesy: Winchgreen Travel Vlog
 

Unang araw ng Holy Week, may naiisip ka na bang puntahan para magnilay-nilay?

Puntahan ang isa sa mga ipinagmamalaking relihiyosong lugar sa Nabas – ang “God The Father Shrine”.


Photo Courtesy: Winchgreen Travel Vlog

Photo Courtesy: Winchgreen Travel Vlog


Ito ay matatagpuan sa tuktok ng burol ng Brgy. Unidos, Nabas, Aklan.

Dito, masusubok ang tatag ng iyong tuhod at stamina dahil kinakailangan mong akyatin ang mahigit 300 daang hakbang/hagdan para maabot ang pinakatuktok.

Tumatagaktak man ang pawis at hinihingal na sa pag-akyat, huwag mag-alala dahil worth it naman ito sa nakakamanghang tanawin na matutunghayan sa tuktok.

Kung saan, tanaw na tanaw ang overlooking-view ng Sibuyan Sea at iba’t ibang mga rock formations.

Damang-dama din ang preskong hangin at mapayapang tanawin.

At ang pinaka-highlight sa lugar ay ang higanteng rebulto na tinatawag na “God The Father Shrine” na pupwede mong puntahan ngayong holy week.

“God demonstrates His own love toward us, in that while we were yet sinners, Christ died for us” (Romans 5:8).

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog