BEACH IS WAVING! Tara sa Diniwid Beach!

 

Photo Courtesy: @pengpeng2k22



Sulitin ang bakasyon at huwag kalimutang puntahan ang Diniwid Beach kapag nasa Boracay ka, ka – K5.

Ang Diniwid Beach ay isang tahimik na destinasyon na ilang minuto lang ang layo mula sa sikat na Station 1 area ng Boracay.

Magandang lugar ito para sa mga gustong tumakas sa karaniwang white sand beaches ng Boracay.


Photo Courtesy: @pengpeng2k22


Perpektong lugar din ito sa mga naghahanap ng tahimik at mapayapang ambiance.

Mayroon din ditong mga villas para sa mga bisitang mas gustong manatili sa lugar.


Photo Courtesy: @pengpeng2k22


Nag-aalok din ng panoramic view ng beach ang ilang mga villas na nandoon.

Mae-enjoy din sa lugar ang ilang mga aktibidad tulad ng snorkeling at iba pang water activities.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog