Kaliwa’t kanang pamba-bash ang natanggap ng kilalang
tattoo artist na si Apo Whang Od nang gumapang ang kamay nito sa pribadong
parte ng katawan ni Piolo Pascual.
"What if Apo Whang Od were a man? I respect her and
her craft but pls let’s not condone a ridiculous and unacceptable act just
because people find it funny or she is THE Apo Whang Od", hirit ng isang
netizen.
"Akala ko namatay si Apo Whang Od dahil
nagtetrending siya pero ang totoong dahilan ay napakadiri 😬 Di ko alam bakit
parang okay lng yung sa mga tao ang ginawa niya, di yan pwede kahit matanda
siya", saad pa ng isa.
Sa kabila nito, marami namang netizens ang ipinagtanggol
ang 107-anyos na mambabatok ukol sa nangyari.
"I dont think papayag si Piolo i-upload vid w/o his
consent. Tsaka alam naman ni Piolo yung pupuntahan nya sa Buscalan. Tsaka based
sa rts di naman basta basta nandadakma si Apo Whang Od unless gusto nung bisita",
depensa ng isang netizen.
"If you don't want to get your privates grabbed by
Apo Whang Od, then just don't go. People go to her with this knowledge in mind
and have no problems with it", pagtatanggol pa ng isa.
0 Comments