Takot nang pumasok sa ekswelahan ang isang 7-anyos na
estudyante matapos itong paluin ng stick sa ulo at iuntog sa lamesa ng kaniyang
guro makaraang hindi magbasa at magsulat, sa isang eskwelahan sa bayan ng
Altavas.
Sa panayam ng K5 News Team sa ina ng estudyante, ipinunto
nitong hindi sapat na dahilan ang hindi pagbabasa o pagsusulat ng kaniyang anak
para malimit itong saktan.
Ayon sa Misis, bigla na lamang umuwi ang kaniyang anak na
umiiyak at nagsasabing hindi na nito gusto pang pumasok sa eskwelahan dahil
sumasakit ang kaniyang ulo at nagsusuka makaraang paluin sa ulo ng stick at
hawakan ang gilid ng buhok at iuntog ang ulo sa lamesa ng kaniyang Teacher,
kahit pa hiniling na nitong sa ibang bahagi na lang ng katawan ito saktan.
Dahil dito, makailang ulit aniya itong nakipag-ugnayan sa
pamunuan ng eskwelahan ngunit paulit-ulit lamang na kinakansela at tila
kinakampihan pa aniya ng Principal ang nasabing Teacher.
Kumbinsido rin aniya ito na nagsimula ang lahat matapos na
hindi ito makapagbigay ng pera sa kanilang solicitation na libo ang halaga.
Sa huli inihayag nito ang pagnanais na makaharap ang guro na
responsible sa pananakit sa kaniyang anak at mapanagot sa kaniyang nagawa.
|TERESA IGUID
0 Comments