Tumutol si Sen. Robin Padilla at apat pang miyembro ng
Senate Committee on Women, Childre, Family Relations and Gender Equality sa pag-aresto
sa religious leader na si Apollo Quiboloy.
Ito’y matapos inirekomenda ni committee chair Se. Risa
Hontiveros na arestuhin at i-contempt si Quiboloy dahil sa kabiguang pagtestigo
sa isang pagdinig ng diumano’y sexual abuse sa mga miyembro ng kanyang Kingdom
of Jesus Christ (KOJC) church.
Sa kabila nito, pumirma naman sa written objection sina
Sen. Bong Go, Se. Cynthia Villar, Sen. Imee Marcos, at Sen. JV Ejercito.
Para maibaliktad o maamyendahan ang anumang contempt
order, kinakailangang magkasundo ang mayorya ng mga miyembro ng isang komite.
Alinsunod ito sa Section 18 ng Rules of Procedures Governing Inquiries in Aid
of Legislation.
Pahayag ni Villar na kaya siya pumirma sa written objection
dahil hindi ito naniniwala sa mga paratang itinataboy kay Quiboloy lalo na’t
mabait aniya ang pastor sa kaniyang pamilya.
Samantala, wanted sa ngayon si Quiboloy sa U.S. Federal
Bureau of Investigation (FBI) dahil sa reklamong sex trafficking.
0 Comments