Photo Courtesy: Megan Young/Instagram |
Dumating na sa bansang India ang Miss World 2013 Megan Young ilang araw bago ang gaganaping coronation night ng 71st Miss World.
Sa Instagram, ibinahagi ni Miss World 2022 Karolina
Bielawska ang kaniyang larawan kasama ang iba pang beauty queen titleholders
kabilang na si Megan.
Present din sa larawan ang Miss World 2015 Mireia
Lalaguna, 2016 Stephanie Del Valle Diaz, 2018 Vanessa Ponce de Leon, at 2019
Toni-Ann Singh.
Nakatakdang magiging co-host ng coronation night si Young
na isasagawa sa Jio World Convention Centre sa India kasama ang Indian TV
personality na si Karan Johar.
Matatandaang kinoronahan bilang Miss World 2013 si Megan Young
at gumanap kamakailan sa GMA Network’s crime drama series na “Royal Blood”.
Samantala, susubok na masungkit ang korona ng ngayong
taong Miss World para sa Pilipinas ay si Gwendolyne Furniol na nauna nang
nakapasok sa Talent Competition’s Top 23, Top 25 sa Head to Head Challenge at
kwalipikado para sa Sports Challenge Final.
0 Comments