WELCOME TO THE MAGICAL AND MYSTIC MANGROVES NG IBAJAY – ANG KATUNGGAN IT IBAJAY

 


Tara sa Katunggan it Ibajay at alamin ang natatanging kasaysayan sa mga puno ng Bakhawan (mangroves).

Ang Katunggan it Ibajay ay tahanan ng pinakamalawak na mangrove forest sa Asya at dito rin matatagpuan ang pinakamatandang mangrove species na tinatawag nilang “Avatar Tree”.

Isa sa mga pangunahing atraksyon sa KII ang “Avatar Tree” na nakatayo sa gitna ng maraming siglong gulang na bakawan sa loob ng parke. Sa siyensa, tinawag ang puno na Avicennia rumphiana habang kilala ito sa mga residente ng Ibajay bilang apiapi o bungalon.

Naging sanctuary na rin ng iba’t ibang mga ibon at iba pang wildlife ang Katunggan, kabilang na rito ang mga mud lobsters na nagsisilbing engineer ng mga mangroves dahil sa patuloy nitong pagbuo ng mga matataas na punso.

Bukod sa pagtuklas ng iba’t ibang endangered species sa KII, pupwede mo ding gawing relaxation ang paglalakad sa kanilang 800-meter bridge at damhin ang sariwang simoy ng hangin mula sa iba’t ibang uri ng puno at mangroves.

Maaari ka ding mag-rafting kapag high tide at mag-picnic kasama ang jowa, barkada o pamilya na damang-dama ang nature vibes.



Ang Katunggan it Ibajay ay pinamumunuan ng dalawang organisasyon – ang Bugtongbato Fisherfolk Association at Naisud Mangrove and Aquatic Organization – kung saan ang mga nalikom na fees mula sa mga bisita ay napupunta sa maintenance at pagpapanatili ng park.

Kaya mga ka-K5, tara at ating subukang i-explore ang ganda ng kalikasan sa Katunggan it Ibajay!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog