WEBSITE NG PHILIPPINE GOVERNMENT NA TINANGKANG PASUKIN NG HACKER, SA CHINA PALA


Nagawang matuntun ng DICT ang command at control center ng cyberattackers sa ilang websites ng pamahalaan kabilang dito ang website ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na mula sa loob ng China umano ang nag-o-operate nito.
Maswerte itong napigilan ng Department of Information and Communications and Technology (DICT), kung saan napansin agad ang pagbagsak ng website ng OWWA.
Kung kaya't agad natunton ang IP address ng hackers na nagmula sa China Unicom o China United Network Communications Group na isang Chinese state-owned telecommunications company.
Habang nilinaw naman ni Dy na walang direktang kinalaman ang Chinese government sa pag-atake ng hacker at posible aniya nilang sabihin nagmula sa Chinese territory ang operasyon.
Napag-alaman din na ang target ng mga hacker ay ang mayroong “gov.ph” na domain tulad ng Philippine Coast Guard, DICT, DOJ, at ang website ni pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Tiniyak naman ng DICT na walang nakuhang mga mahalagang impormasyon mula sa gobyerno dahil napigilan ang mga pag-atakeng ito.

Sa ngayon ay kasalukuyang iniimbestigahan na ng DICT kung sino ang mga nasa likod nito maging ang motibo ng pag-atake. 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog