KALIHIM NG SENIOR CITIZEN SA TABAYON, BANGA, HINAMON ANG KANILANG PRESIDENTE NA MAGKAROON NG TRANSPARENCY SA PAMAMALAKAD


“Kailangang mayroong transparency at hindi lamang iisa ang nakakaalam” ito ang naging hamon ni Mrs. Marlyn Magarso, Kalihim ng senior citizen sa Brgy. Tabayon, Banga kaugnay sa kanilang reklamo sa kasalukuyan nilang Presidente na si Mr. Robert Ramintas.

Matatandaan na una nang dumulog sa himpilan ng K5 News FM Kalibo si Mrs. Magarso upang ipaabot ang ilang alalahanin ng kanilang mga miyembro sa hindi maayos na pamamalakad ni Mr. Ramintas dahil tila mayroon aniya itong sariling patakaran na sinusunod na dahilan naman ng hindi nila pagkakaintindihan.
Pinuna nito ang mga hindi naibigay na goods sa mahigit 40 nilang miyembro dahil hindi nakapunta sa kanilang Christmas party na aniya’y ipinamahagi lamang sa mga Barangay workers at ang iba ay bago pa man maibalot ay may naitabi na.
Kinuwestyon din nito ang sinisingil sa kanilang P100 kung saan mapupunta dahil tila hindi rin aniya ito nagagamit sa tuwing may nagkakasakit o may namatayan sa kanilang miyembro.
Sa huli, inihayag nito na sa kabila ng kaniyang pagiging secretary limitado na lamang ang kaniyang nalalaman at wala rin itong mga papel na natatanggap dahil tila mayrooon nang pumalit sa kaniyang puwesto, rason upang gustuhin nitong mapasagot si Mr. Ramintas na kadalasan lamang aniya silang binabalewala sa tuwing naglalabas ng hinaing. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog