Patuloy pa rin na mararanasan ang easterlies sa eastern section ng bansa, ngayong araw.
Ang Southern Leyte ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng Easterlies.
Mahina hanggang sa katamtaman na hangin mula sa Silangan hanggang sa Hilagang-Silangan ang iiral sa buong bahagi ng Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro at may mahina hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan. |TERESA IGUID
0 Comments