LIZA SOBERANO, YLONA GARCIA, IMBITADO SA 2024 ANIME AWARDS



Kabilang sa mga talents ng paparating na Crunchyroll Anime Awards 2024 sina Liza Soberano at Ylona Garcia.
Kung saan, makakasama sila ng mga Japanese at international talent na mag-aanunsyo sa mga awards na ibibigay sa mga creators, musikero at performers ng anime industry.
Parehong tinatahak nina Liza at Ylona ang international stage matapos ang kanilang naging proyekto sa Pilipinas.
Si Liza Soberano ay kasalukuyang pinupuri ng mga kababayan at tagahanga nito dahil sa mahusay na pagganap sa kauna-unahan nitong Hollywood movie na “Lisa Frankenstein”.
Bago ito, ang aktres ay naging opisyal na boses ng “Alexandra Trese” na isang anime version ng Netflix hango mula sa isang Filipino comic book na “Trese”.
Habang, si Ylona naman ay kasalukuyang nakabase sa US. Naun ana rin itong nag-perform sa Asia Pacific Predator League na ginanap sa Pasay City na inilabas sa pakikipagtulungan ng tactical shooting game na “Valorant”.
Samantala, nakatakda namang gaganapin ang 2024 Anime Awards sa Tokyo, Japan ngayong Marso at mapapanood live sa official YouTube at Twitch account ng Crunchyroll.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog