MOST BEAUTIFUL TOWN NG AKLAN – PRESENTING ANG BAYAN NG BANGA


 

Ang munisipalidad ng Banga ay isang 3rd class municipality sa probinsya ng Aklan.

Kinikilala din itong “Banga the Beautiful” matapos itong manalo ng ilang beses sa national competitions para sa “Most Beautiful Town” contests sa buong bansa.

Patunay rito ang kanilang plasa na sobrang kinahangaan dahil sa pagiging maaliwalas at nakaka-good vibes.



Libreng-libre kang tumambay at maglibot gayundin, magpicture-picture.

Maaari kang mag-jogging, mag-exercise at mag-date kasama ang pamilya, jowa, o alagang aso.

Sa buong araw na paglilibot sa kabuuan ng plasa, talagang picture-worthy at walang sayang.



Masasaksihan mo rin ang pinaka-highlights sa lugar – ang kanilang colorful fountain na sumasabay sa tugtog ng musika.

Talaga ngang nararapat lang sa bayang ito ang titulong “Most Beautiful Town”.

Kaya mga ka-K5, tara na at mamangha sa “Banga the Beautiful”!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog