SNOOP AND IRENE IN ANOTHER DIMENSION.. 🤣

 


Marami ang kinilig sa taglay na chemistry nina Maris Racal at Anthony Jennings.

Ito’y matapos ibahagi sa social media ang mga nakakakilig na larawan ng dalawa sa kanilang pagganap sa isang music video ng kanta ni Darren Espanto na may pamagat na “Iyo”.

Ipinost din ni Darren sa Instagram account nito ang teaser video nina Anthony at Maris na starring sa kaniyang music video.

Nagsimulang maging viral ang tandem ng dalawa matapos mapansin ng mga netizens na mayroong taglay na chemistry ang mga ito sa isang hit teleserye na “Can’t Buy Me Love” na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Samantala, nakabuo din ng isang loveteam ang kanilang mga tagahanga sa mahusay na pagganap bilang Snoop at Irene kung saan palagi itong trend at may viral memes.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog