KIMPAU TANDEM SA PINOY ADAPTATION NG KDRAMA SERIES, IPAPALABAS NA SA MARSO



Mapapanood na sa online streaming ang pinakahinihintay na Philippine adaptation ng isang South Korean series ngayong buwan ng Marso.

Ito ang inanusyo ng Viu Philippines sa Instagram.

"Keep your eyes peeled! We are about to let you in on ABS-CBN Studios and Viu's highly anticipated collaboration project for 2024," saad sa post.

Ibinahagi din ng Viu ang ilang mga behind-the-scenes ng series gayundin ang mga pagganap nina Kim Chui at Paulo Avelino.

Matatandaang naiulat na pagbibidahan ng tambalang KimPau ang sikat na Kdrama series na “What’s Wrong With Secretary Kim?” kung saan gaganap bilang secretary Kim si Kim Chui at Lee Jung-Yoon naman si Paulo.

Makakasama din sa series sina Jake Cuenca, Janice De Belen, Rominick Sarmenta, Angeline Quinto, Pepe Herrera, Franco Laurel, Yves Flores, Gillian Vicencio, Kaori Oinuma, JC Alcantara, Cai Cortez, Phi Palmos, Kat Galang, Brian Sy, at may special participation din si Kim Won-Shik.

Ang 2018 South Korean series ay ibinase sa isang nobela na obra ni Jung Kyung-yoon at kalauna’y ginawang webtoon.

Bumida rito sina Park Seo-joon bilang vice-chairman ng isang pinakamalaking korporasyon na kayang gawin ang lahat upang manatili sa kaniyang puder ang sekretarya nitong si Kim Mi-so na isinabuhay ni Park Min-young, na gustong mag-resign pagkatapos ng siyam na taon.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog