KOO HYE SUN, NAGTAPOS NA SA EDAD NA 39

 



Nakapagtapos na sa kolehiyo ang South Korean actress na si Koo Hye Sun sa edad na 39-anyos bilang summa cum laude.

Sa isang Instagram post ng aktres, inanunsyo nito ang opisyal na pagtatapos kasama ang kaniyang mga graduation photos pati na ang nakuhang grado mula sa unibersidad na pinapasukan.

"Hello everyone. It's been a while. Finally, after a long journey, I am going to graduate on [the] 23rd," saad sa caption na isinalin sa Ingles mula sa naturang social media platform.

Labis naman ang pasasalamat ng SoKor actress sa Sungkyunkwan University alumni at mga professors nito.

Si Koo Hye Sun ay nakilala sa pagganap nito bilang Geum Jan Di sa isang Korean series na Boys Over Flower na nakabase sa isang Japanese manga series.

Huli naman itong gumanap sa Kdrama series na “Blood” noong 2015 at “You Are Too Much” noong 2017.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog