SHAIRA AT EA, ENGAGED NA!


CONGRATULATIONS!

Matapos ang mahigit isang dekadang pagsasama bilang magjowa, sa wakas ay engaged na sina Shaira Diaz at EA Guzman.

Opisyal na inanusyo ng dalawa ang kanilang engagement sa GMA morning show na “Unang Hirit” at ibinunyag na nangyari ang proposal noong December 25, 2021.

Kaugnay nito, nakatakdang magdiwang ang dalawa ng kanilang ika-11th anibersaryo sa February 11.

Sina Shaira at EA ay unang nagkakilala sa isang reality show hanggang sa lumalim pa ang kanilang relasyon matapos ang kanilang performance sa isang mall show.

Matatandaang ipinahayag ni Shaira na gusto nitong pakasalan si EA pagkatapos ng kaniyang college graduation sa Agosto.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog