GUSTONG BUMALIK SA NAKARAAN? Tara sa Motag Living Museum!



Tara sa Motag Living Museum at saksihan ang simpleng pamumuhay noon.
Ang Motag Living Museum ay matatagpuan sa Barangay Motag, Malay, Aklan.
Dito makikita ang mga kultura at tradisyon ng mga Malaynon na buhay na buhay pa kung saan ang mga tao dito ay napanatili pa rin ang simpleng pamumuhay bago pa umusbong ang turismo sa lugar.
Kapag sinabing museum, karaniwang mga litrato at estatwa ng mga makasaysayang lugar at tao ang makikita. Ibang-iba ito sa Motag Living Museum dahil mismong mga tao ng komunidad ay sinusunod pa rin ang nakagawiang kultura at tradisyon.
Tila ba parang bumalik ka sa nakaraan na malayo sa kabihasnan at gulo ng syudad.
‘Yung tipong, hindi ka mamomroblema sa pera dahil sa pagiging payak ng pamumuhay.
Tulad na lamang ng pagsasaka, pag-aani ng palay, pangingisda pati pag-akyat sa mga puno ng niyog.
Marami namang dayuhan ang natutuwa sa nasabing museum kung saan personal nilang mararanasan ang pagiging Pilipino dahil bukod sa mga natutunan ay mag-eenjoy pa sila sa paglalaro ng mga katutubong laro, paggawa ng bubong gamit ang dahon ng niyog at iba pang native materials, magluto at kumain gamit ang mga utensils na gawa sa bao ng niyog (coconut shells), at ang paghahabi ng mga banig at baskets.
Kaya mga ka-K5, tara at muling i-enjoy ang simpleng pamumuhay ng nakaraan!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog