POPCOM AKLAN, NAIS NA ISAMA ANG GENDER SENSITIVITY TRAINING AT SAFE SPACES DISCUSSION SA PAG-RENEW NG PERMIT NG MGA BUSINESS ESTABLISHMENTS


 

Planong irekomenda ng POPCOM Aklan sa mga Local Government Units na isama ang gender sensitivity training at discussion tungkol sa safe spaces sa mga kasalukuyang requirements sa pag-renew ng business permit ng anumang establisyemento.
Ito ang sinabi ni Mr. Paul Adrian Pelayo ng POPCOM Aklan, sa panayam ng K5 News Team matapos ang nag-viral online na Valentine’s promo ng isang kainan sa bayan ng Malinao kung saan kinakailangang magpresenta ng larawan ng maselang bahagi ng katawan ng babae para maka-avail ng discount.
Ani Pelayo panahon na para magkaroon ng pang-matagalan na solusyon upang maiwasan ang posibilidad na maulit pa ito dahil kadalasan aniya ay hanggang sa pagpapalabas lamang ng official statement ang nangyayari at wala nang iba pang aksyon laban dito.
Umaasa rin aniya ito na magsisilbi nang leksyon sa publiko ang naturang insidente lalo na sa mga establisyemento na isiping mabuti ang mga paraan at hakbang upang makapag-engganyo ng mga customers. At iwasang manahimik sa mga kahalintulad na usapin upang hindi ma-normalize ang mga ganitong pangyayari.
Dahil dito, nakatakda aniya silang makipag-ugnayan sa iba pa nilang partners at mga kinauukulan upang mapag-usapan ang mga hakbang na magpapanatili sa respeto, dignidad at pagtrato ng patas sa bawat isa. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog