SA PANAHON NG SUNOG “HUWAG UNAHIN ANG SOCIAL MEDIA”- KALIBO FIRE MARSHAL


 

“Huwag unahin ang social media” ito ang paalala sa publiko ni FSINSP Macario Montaña Jr., Municipal fire marshal ng Kalibo, upang mabilis na matugunan ang mga insidente ng pagkasunog at maiwasan na lumaki pa ang pinsala ng apoy.
Sa panayam ng K5 News Team kay Montaña, sinabi nito na isa sa kadalasang nagiging ugat ng paglaki ng apoy ay kapag napabayaan dahil minsa’y inuuna pa ang pagkuha ng larawan o video para sa social media bago magpasaklolo o tumawag sa mga kinauukulan upang agad itong maapula.
Aniya pa, ngayong nalalapit ang fire prevention month importante na maging alerto at magdoble ingat sa pamamagitan ng pag-unplug sa mga appliances, iwasan ang octopus connection, pag-check sa mga LPG gayundin sa iba pang ginagamit sa pagluto at sakaling hindi maiiwasan na walang maiiwan sa mga bahay dahil sa inaasahang panahon ng bakasyon, mas maigi aniyang ihabilin ito sa mga kapitbahay.
Sa ngayon, nakatutok aniya sila sa mga Brgy sa Kalibo partikular na sa Poblacion, Andagao at Estancia na itinuturing bilang fire prone area.
Sa kabila naman ng limitadong personnel at kagamitan ipinasiguro naman ni Montaña na 24 oras na handa ang kanilang hanay sakaling kailanganin ang kanilang serbisyo. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog