Naglabas ng pahayag ang Cornerstone Entertainment, talent management agency nina Sam Milby at Catriona Gray ukol sa mga isyung kumakalat kaugnay sa estado ng relasyon ng dalawa.
Sa post nito, kinumpirma ng agency na nahaharap sa hamon
ang relasyon nina Sam at Catriona kung saan patuloy nilang isinasaayos ito.
Dagdag pa ng naturang agency na respetuhin sana ng
publiko ang privacy sa relasyon ng dalawa.
Naging usap-usapan kasi sa social media ang ilang
kumakalat na isyung kinasasangkutan sa umano’y hiwalay na ang mag-fiancé na Sam
Milby at Catriona Gray.
Ito’y matapos napansin ng ilang netizen na hindi na suot
ng beauty queen ang engagement ring nito mula sa fiance na si Sam.
Ipinahayag din ni Ogie Diaz, entertainment reporter, sa
kaniyang vlog ang posibleng breakup nina Sam at Catriona kahit na naispatang
magkasama ang dalawa sa ilang mga event.
Matatandaang na-engaged sina Sam at Catriona noong
February 2023 habang kinumpirma naman nila ang kanilang relasyon noong May 2020
sa mismong araw ng kaarawan ni Sam.
0 Comments