CHILL OUT THIS COMING SUMMER SA “AUBREY & ANGELIQUES INLAND RESORT”


Ka-K5, ramdam na ramdam na ang tag-init! May plano ka na ba para mag-chill out at maibsan ang init ngayong paparating na summer season?

Tara at subukan ang “Aubrey & Angeliques Inland Resort” sa Barangay Ibao, Lezo, Aklan.

Perfect ang lugar na ito para sa iyong instagrammable shots at pang-selfie.



Malapit lang din ito sa town proper ng Lezo kung saan limang minuto lang ang byahe papunta rito.

Maiibsan rin ng kanilang swimming pool ang init na nararamdaman dala ng summer season.



Pero huwag mabahala mga ka-K5 dahil safe na safe ding dalhin ang mga bata dahil mayroong pool na nakatalaga para sa mga bata gayundin sa mga matatanda.

Mayroon din silang function hall, umbrella tables at videokehan kung saan maaari kang makipag-sing-along sa mga kasamang tropa o pamilya.

Syempre pagdating sa pagkain, pupwede kang mag-ihaw-ihaw sa kanilang BBQ House at kusina.

Kaya mga ka-K5, ihanda na ang sarili at sulitin ang summer season sa pag-explore sa Aklan!

  

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog