Naging matagumpay ang ginanap na reunion concert ng Rivermaya nitong Pebrero 17 sa SMDC grounds ng Parañaque City.
Sa kabila ng ilang mga anomalya sa production ay hindi pa
rin natinag ang grupo para ipagpatuloy ang kanilang concert.
Sa halip ay pagkakataon iyon upang makihalubilo ang bawat
miyembro sa mga tagahanga nitong dumalo sa kanilang reunion concert.
Ang Rivermaya ay isang Filipino alternative rock band na
binuo noong 1994.
Kinabibilangan ito nina Mark Escueta, Nathan Azarcon,
Mike Elgar, Rico Blanco at Bamboo Mañalac.
Dumalo din sa concert ang ilang mga Pinoy artists upang
suportahan ang dating bandang Rivermaya.
Sa huli, naging maingay ang mga taong dumalo nang
sinimulang kantahin ng grupo ang kanilang mega-hit song na “Kisapmata”.
0 Comments