"BASURA GARDEN" SA BAYAN NG BALETE, AKLAN


 

Ka-K5, naging patok na sa mga Pinoy ang pagre-recycle ng mga gamit na itinatapon lang sa basurahan.

Tulad na lamang ng isang atraksyon sa bayan ng Balete kung saan sa halip na mga kumpol-kumpol na basura ang makikita, punong-puno ito ng mga patapong gamit na ginawang artifacts.

Ito ay ang “Basura Garden” na matatagpuan sa Brgy. Poblacion, Balete, Aklan.


Hango ang pangalan ng lugar sa pangongolekta ng may-ari ng mga artifacts, antigo, kabilang na ang mga recyclable garbage materials mula sa mga katutubong Baleten-on.

Ilan sa mga ito ay ang sirang sapatos na sa halip na itapon ay ginawa itong flower vase.

Mayroon ding tinatawag na “holy wastes” na inipon mula sa mga nasunog na imahe ng santo sa kanilang bayan, ang recycled pots na gawa sa plastic, mga lumang computer, at iba pa.

Dahil sa pagiging likas na malikhain at kakaiba ay patuloy itong dinarayo at nakilala sa buong probinsya ng Aklan.

Kaya mga ka-K5, tara at muling mamangha sa kakaibang art na taglay ng mga patapong bagay sa Basura Garden!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog