PRESYO NG BIGAS POSIBLENG BUMABA DAHIL SA ANIHAN


 

Posibleng bababa ang presyo ng bigas sa pagsisimula ng anihan ngayong buwan, ayon sa isang pahayag ng Federation of Free Farmers Cooperatives, dahil nagsisimula nang pumasok sa mga pamilihan ang bagong suplay ng bigas.
Sa kabila nito, posibleng kakaunti lamang ang ibabawas na presyo dahil sa posibleng mas mababang produksyon sanhi ng El Nino.
Nabatid na ang farmgate price ay nasa P31 kada kilo, at ang pagpapababa sa retail price ng bigas sa P50 kada kilo ay hindi pa posible.
Posible naman na maibenta sa publiko mula P55 hanggang P56 kada kilo matapos na maipamahagi sa mga retailer. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog