POP STAR NA SI TAYLOR SWIFT, NAGBAHAGI NG $100-K PARA SA PAMILYA NG MGA BIKTIMA NG SHOOTING INCIDENT SA SUPER BOWL



Nag-bigay ng $100-K ang pop star na si Taylor Swift para sa biktima ng babaeng nasawi sa mass shooting incident noong victory parade ng Super Bowl team na Kansas City Chief.

Nabatid na sa mensaheng nakalagay kasama ang donasyon, nakasaad ang pakikiramay nito sa pagkawala ng kanilang kaanak.
Inilagay ng pop star ang kanyang donasyon sa Go Fund Me na layong tulungan ang pamilya ng biktima na gayundin ang 22 na nasugatan kabilang na ang ilang mga bata.
Samantala, umabot na sa mahigit 2,000 katao ang nagbigay ng donasyon na umabot na sa $200-K. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog