Ang bayan ng Lezo ay isang 5th class municipality sa probinsya ng Aklan. Ito ang pinakamaliit na munisipalidad sa lalawigan.
Ngunit, huwag maliitin mga ka-K5 dahil ika nga sa isang kasabihan “small but terrible” ang bayan ng Lezo.
Itinuturing kasi itong pottery capital ng Aklan sa
kanilang Bayangan Festival na ang ibig sabihi’y “potter’s wheel”. Ginagamit ito
bilang panghulma sa clay upang makabuo ng iba’t ibang uri ng pottery products
tulad ng banga, clay pots at iba pa.
Matatagpuan ang iba’t ibang produkto ng clay pottery sa “Bayangan
Village” ng naturang bayan. Dito, matutunghayan ang ipinagmamalaking produkto
ng lugar gayundin ang pagpapanatili ng natatanging talento, kultura at
tradisyon ng mga taga-Lezo.
Personal mo ding masasaksihan ang aktwal na paggawa ng mga pottery kung saan ito na ang naging hanapbuhay ng ilang mga residente doon.
Mula sa pagsusuri ng clay na gagamitin, paghuhulma
hanggang sa aktwal nitong resulta.
Kaya mga ka-k5, tara at ating bisitahin ang pottery
capital ng Aklan!
0 Comments