Napabilang sa kategoryang minimal damage fire incident ang nangyaring sunog kahapon sa Brgy. Polo, New Washington, base sa naging assessment ng BFP New Washington.
Ito ang inihayag ni FO2 Enrico Nam-ay sa panayam ng K5 News Team, makaraan na ideklara mismo ng may-ari na wala nang valuable equipments o zero value na ang nagliyab na barge, na umabot pa sa ikatlong alarma at mahigit dalawang oras na inapula.
Sinubukan pa aniya itong apulahin ng mga nagtatrabaho sa lugar ngunit hindi na ito naagapan matapos ang mabilis na pagkalat ng apoy dahil sa mga nahulog na debris ng goma mula sa binabaklas na power cables at kumalat na anti-rust spray.
Samantala, mapalad naman na walang nasaktan sa nangyaring sunog at wala ring idineklarang damages dahil una nang natanggal at naibenta ang mga parte na magagamit sa loob nito. |TERESA IGUID
0 Comments