OFFICE OF THE PROVINCIAL AGRICULTURIST-AKLAN, NAKA ALERTO SA POSIBLENG EPEKTO NG EL NIÑO


 

Naka alerto ngayon ang Office of the Provincial Agriculturist-Aklan sa posibleng epekto ng El Niño phenomenon sa probinsya.
Sa programang Foro De Los Pueblos sinabi ni Engr. Alexys Apolonio, Aklan Provincial Agriculturist, na sa panahon ng Pebrero hanggang Marso ay hindi pa gaanong problema ang tubig para sa mga magsasaka dahil ito ang kasagsagan ng pag-ani sa mga produktong palay.
Ngunit magiging kritikal naman ang sitwasyon pagsapit ng Abril-Mayo dahil sa muling paghahanda ng mga rice farmers para magtanim kung saan mas mahirap na ang suplay ng tubig dahil sa summer season at ang inaasahang matinding pagtama ng El Niño, kung kaya’t inaasahan na rin aniya nila ang mas malawak na apektadong lugar.
Ipinunto rin ni Apolonio na ang panahon ng El Niño ay hindi lamang purong tagtuyot kundi aasahan din ang malalakas nap ag-ulan o bagyo na makakaapekto naman sa iba pang agricultural crops at maging sa mga hayop, rason para isuhestyon nito ang pagpaparehistro sa mga Municipal Agricultures Office para sa mga posibleng ayuda o tulong mula sa gobyerno.
Samantala, inihayag din nito na ang anumang tulong partikular na ang financial assistance na matatanggap ay naka depende sa kung gaano naapektuhan ng drought season ang bawat magsasaka. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog