Nagpahayag ng pagkadismaya si dating Brgy. Briones, Kalibo
Punong Brgy Rafael Briones matapos na magpaabot ng alalahanin dito ang ilang miyembro
ng senior citizen kaugnay sa kinokolektang P200 sa mga ito.
Sa panayam ng K5 News Team kay Briones, binigyang-diin nito
na layunin ng gobyerno na matulungan ang mga seniors sa pamamagitan ng
natatanggap nilang pension kung kaya’t bakit pa aniya pipilitin na mag-ambag
ang mga ito lalo na kung hindi rin sila ang makikinabang kundi ang sinasabing
mga bisita.
Ayon pa kay Briones na base sa mga miyembro ng seniors na
kaniyang nakausap, ang sinumang hindi makakapagbigay ng registration fee ay
posibleng matanggal sa listahan at hindi rin makakatanggap ng anumang benefits
mula sa kanila.
Sa huli, ipinunto nito na walang problema sa pag-kolekta
kung ito ay may transparency at lahat ay pumapabor. Ngunit sa kasalukuyan aniya
ay tila nagtuturuan pa ang Presidente at Treasurer ang senior citizen sa Brgy
Briones kung sino ang may hawak sa pundo at kahit bank book ay bigo ang mga
itong maipakita. |TERESA IGUID
0 Comments